Bulkang Mayon nagbuga ng 1,128 tonelada ng sulfur dioxide

FILE PHOTO

Aabot sa 24 volcanic earthquakes at 423 rockfall events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), walong pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.

Naging mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.4 kilometro sa Bonga Gully habang nasa 4 kilometro naman sa Basud Gully mula sa crater.

Aabot sa 1,128 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 750 metro ang taas ng plume. Naging katamtaman ang pagsingaw nito na napadpad sa kanluran-timog-kanluran.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

 

Read more...