Naglabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng P3.336 billion mula sa kanilang 2022 budget para sa mga kontrata sa paghahakot ng mga basura, ayon sa Commission on Audit (COA).
Ang halaga ay mataas kumpara sa ginasta na P3.217 bilyon noong 2021.
Nabatid na ang ginasta noong 2018 ay mas mataas ng 83.6 porsiyento kumpara sa ginasta noong nakaraang taon.
Ayon pa sa COA ang pinakamataas na pagtaas ay noong 2019 hanggang 2020 na P824 milyon.
Inaasahan naman na tatataas pa ang koleksyon ng basura sa mga susunod na taon.
Mula sa 9.07 milyong metriko tonelada na nakolekta ng 2006 tumaas ito sa 16.63 milyong metriko tonelada noong 2020.
MOST READ
LATEST STORIES