Magpapatupad ang pambansang pulisya ng gun ban sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon kaugnay sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sa Hulyo 24.
Epektibo ang pagbabawal sa anumang uri ng baril sa nabanggit na araw simula alas-12:01 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi.
Bahagi ito ng ipapatupad na seguridad ng PNP sa muling pag-uulat sa bansa ng Punong Ehekutibo.
Una nang sinabi ni PNP Chief Benjamin Acorda na humigit-kumulang 23,000 pulis ar force multipliers ang ipapakalat para tiyakin na magiging maayos at payapa sa naturang araw.
Ayon pa kay Acorda papayagan ngunit lilimitahan naman ang mga kilos-protesta sa mga itatakdang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES