Inanunisyo ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na sa darating na Oktubre ay bubuksan na ang isang international cruise ship terminal sa Siargao Island.
Pagtitiyak ni Santiago na mapapalakas at mapapaunlad ng proyekto ang industriya ng turismo.
“Maraming nagre-request na mga cruise operator to go directly to Siargao,” ani Santiago, sabay banggot na isa din cruise terminal ang bubuksan sa Coron, Palawan bago matapos ang kasalukuyang taon.
Paliwanag niya, maiiwasan na ang pagdagsa ng mga turista sa airports, partikular nan tuwing “peak season,” kung kailan may 12 milyong turista ang inaasahang dadating sa bansa kada taon.
Nabatid na binabalak din ng PPA ang pagbubukas ng cruise ship terminals sa Currimao at Salomague sa Ilocis, Legazpi at Camiguin sa Bicol, maging sa Boracay Island at Panglao sa Bohol.
“Similar to the airports, we want to be able to build exclusively-dedicated cruise terminals na ang talagang focus niya is to accept foreign tourists. When they arrive, malinis , maaliwalas ang facility,” dagdag pa ng opisyal.
Kasabay nang pagdiriwang ng kanilang ika-49 anibersaryo, inilunsad ng PPA ang feedbacking system Port Users and Locators Satisfaction Outlook (PULSO) para sa turista.
Paliwanag ni Santiago sa pamamagitan ng PULSO, agad maibabahagi ng mga pasahero ang kanilang naging karanasan sa paglalakbay para mapagbuti pa ng PPA ang kanilang serbisyo.