Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na patuloy na labanan ang ilegal na aktibidad sa gaming industry sa bansa. “Let this anniversary therefore be a call to the future—a future where PAGCOR is at the front and center in reshaping the gaming landscape with responsible practices, unwavering integrity, and a steadfast commitment to combating illicit activities,” pahayag ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Pagcor. Matatandaang kamakailan lamang, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang Philippine Offshore Gaming Operators sa Las Pinas City dahil sa ilegal na aktibidad. “Certainly, PAGCOR has made an indelible mark in our society with its undeniable contribution to nation-building. May you remain a shining example of what it means to be workers at PAGCOR—individuals who stand firm in their dedication to service, excellence, and integrity, [and] who are determined to leave their mark not only in the gaming industry, but in our society as a whole,” anang Pangulo. Nasa P607 bilyon na ang naibigay ng PAGCOR sa Contributions to Nation Building (CNB) sa pamahalaan.
PBBM Jr., nagbilin sa Pagcor ng malinis na gaming industry sa bansa
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...