Aabutin pa ng tatlo hanggang limang taon bago posibleng maibalik ang dating school calendar.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Education spokesman Attorney Michael Poa, batay sa batas kailangang mayroong 200 ang school days sa bawat isang school year.
Sabi ni Poa, malabong maibalik sa mga susunod na taon dahil kailangang sundin ang cycle.
Matatandaang tuwing Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante.
Pero binago ito at ginawang Hunyo at Hulyo para makaiwas sa panahon ng tag-ulan ang mga estudyante.
Sinabi naman ni Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera na kailangang isabay ang school calendar ng Pilipinas sa ibang bansa para makasabay ang mga estudyante na nagnanais na mag-aral sa abroad.
Sa ganitong paraan din aniya, maisasabay ang mga guro na nagbabalak ng mga seminar sa ibang bansa.