Customer First: More Power nagpatupad ng ikalawang yugto ng Bill Deposit Refund
By: Chona Yu
- 1 year ago
Nagpatupad ng ikalawang yugto ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer” ang More Electric and Power Corporation(More Power), ang electricity provider sa Iloilo City.
Ang kusang pagsasauli ng Bill Deposit ay sariling inisyatibo ng More Power bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang mga consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o 3 taon.
Kwento ni Violeta Tiangson, residente ng Rizal Palapala Zone 1, malaking tulong ang natanggap nyang refund dahil makatutulong ito sa gastusin para sa kanyang anak.
“hindi lang maayos na serbisyo ang inihahatid ng More Power sa aming mga residente kundi ipinapakita din nito ang kanilang ipinangako na totoong serbisyo at pagpapahalaga sa mga customers” pahayag ni Tiangson.
Gayundin ang pahayag ni Keiffer Espinosa, barangay councilor sa East Timawa, Molo, Iloilo City, aniya, nagbabayad sya sa tamang oras dahil sa magandang serbisyong natatanggap din nya mula sa More Power.
Noong buwan ng Mayo ay una nang nagbalik ng Bill Deposit ang More Power, sa buwan ng Hunyo ay nasa 20 consumers ang nakakatanggap, sa buwan ng Hulyo ay 65 consumer ang mabibiyan ng bill deposit refund at hanggang sa pagtatapos ng taon ay inaasahan na nasa 777 customers ang magiging eligible sa programa.
Ipinaliwanag ni More Power President at CEO Roel Castro na ang bill deposit refund ay hindi reward bagkus ay karapatan ng mga consumer sa ilalim ng Magna Carta for Residential Consumers na mahigpit na inoobserba ng kanilang kumpanya.
“We have implemented this program in strict compliance with the law. The bill deposit does not belong to us; it rightfully belongs to our consumers. We are dutifully fulfilling our responsibility by returning what is rightfully theirs,” pahayag ni Castro.
Ang inisyatibo ng More Power na kusang ibalik ang bill deposit sa mga eligible consumer ay una nang tumanggap ng papuri sa ibat ibat stakeholders.
Sinabi ni Energy Regulatory Commission(ERC) Chairman Atty. Monalisa Dimalanta na karapat dapat lamang na ikomenda ang More Power sa magandang halimbawa na ipinapakita nito sa ibang distribution utilities.
“the refund initiative highlighted the company’s commitment to transparency and consumer welfare,” pahayag ni Dimalanta.
Ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City ay ikinatutuwa din ang maayos na serbisyo ng More Power.
The Iloilo City Government recognizes MORE Power’s efforts in refunding bill deposits. We acknowledged the dedication and commitment of MORE Power in providing the best possible service to the Ilonggos. This exemplary act sets the benchmark for others to follow,” pahayag ni Francis Cruz, Special Assistant to Mayor Jerry Treñas.
Taong 2020 nang magsimulang mag-operate ang More Power.
Tiniyak ng More Power na patuloy ang kanilang pagganap sa kanilang responsibilidad na magbigay ng de-kalidad na serbisyo sa kanilang mga consumers.
“More Power Iloilo remains dedicated to delivering excellent service and fulfilling its obligations to its valued customers. The company looks forward to continuing its efforts in supporting the community and providing reliable electricity services,” pagtatapos pa ng More Power.