Llorente, Eastern Samar niyanig ng 5.0 magnitude na lindol


 

Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang Llorente, Eastern Samar ng 9:00 kagabi, Hulyo 10.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 32 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Balangkayan, Hernani, at Llorente sa Eastern Samar.

Naramdaman naman ang Intensity IV sa Borongan City, General Macarthur, Lawaan, Maydolong, Salcedo at San Julian sa Eastern Samar; sa Dulag, Palo, Tanauan, Tolosa,  at Tacloban City sa Leyte at sa Marabut, Samar.

Naramdaman ang Intensity III sa Can-Avid, Guiuan, Sulat, at Taft sa Eastern Samar; Abuyog, Alangalang,
Babatngon, Burauen, Dagami, Mayorga, Pastrana, Santa Fe, at Tabontabon sa Leyte;
Basey, Calbiga, City of Catbalogan, Motiong, Pinabacdao, atSanta Rita sa Samar.

Naramdaman ang Intensity II sa Arteche, Dolores, Oras, at San Policarpo sa Eastern Samar; Barugo,
City of Baybay, Capoocan, Carigara, Jaro, Leyte, at San Miguel sa Leyte.

Asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.

Wala namang naitalang nasirang ari-arian matapos ang lindol.

Read more...