Nais ni Senator Raffy Tulfo na maimbestigahan ang ginawang pagsalakay ng pulisya sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Las Pinas City kamakailan.
Sa naturang operasyon, 2,714 manggagawa, mga Filipino at banyaga, ang nailigtas. Naghain ng resolusyon si Tulfo dahil sa mga pinaniniwalaang ilegal na aktibidad sa bahagi ng awtoridad. Lumipas na aniya ang ilang araw ngunit wala pa rin linaw ang imbestigasyon na ginagawa ng PNP – Anti- Cybercrime Group. Sa kasalukuyan, dagdag pa nito, may mga foreign national pa rin na nakakulong at hindi pa napoproseso ng immigration. Hindi pa rin malinaw kung sila ay sasampahan ng kasong kriminal o palalayasin ng bansa. Binatikos din ng senador ang mabagal na pagtugon ng Bureau of Immigration na dumating lamang sa POGO facility noong Hulyo 4, o anim na araw matapos ang raid. Sa ilang araw bago sila dumating aniya ay marami ng nangyaring katiwalian at nagkabayaran na. Giit ng senador, ginagawa lamang na gatasan ng mga kinauukulan ang mga raid ng POGO hub kung saan napakaraming lapses at mishandling na nangyayari.MOST READ
LATEST STORIES