Pag-upo ng bagong pinuno ng CHED haharangin

ched
Inquirer file photo

Tiwala si Commission on Higher Education (CHED) Deputy Executive Director Napoleon Imperial na bilang abogado ay susunod si incoming President Rodrigo Duterte sa batas.

Nagpalabas ng pahayag si Imperial kaugnay sa termino ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na sa 2018 pa magtatapos.

Magugunita na noong nakaraang linggo, kinumpirma ni Duterte ang pagtalaga niya bilang bagong pinuno ng komisyon sa kanyang dating political science professor sa Lyceum of the Philippines na si John David Lapuz.

Ipinaliwanag ni Imperial na base sa Republic Act 7722 o ang Higher Education Act of 1994, may fixed term ang pinuno ng CHED na apat na taon at si Licuanan ay nare-appoint ni Pangulong Noynoy Aquino noong July 2014.

Paglilinaw pa ni Imperial, mali ang mga ulat na si dating CHED Chair Emmanuel Angeles ay nag-resign sa pag upo ni Pangulong Noynoy Aquino noong July 2010.

Aniya base sa records ng Human Resources Division ng komisyon, nagtapos ang termino ni Angeles noong July 20, 2010 o tatlong linggo nang magsimula ang termino ni Aquino.

Nang ianunsiyo ni Lapuz ang pagkakapili sa kanya ni Duterte ay kaagad siyang inulan ng batikos ng mga netizens partikular na ng kanyang mga naging estudyante.

Read more...