Bakeshop sa loob ng isang mall sa Maynila nasunog

Frenchbaker
Photo: Chona Yu

Nagpanic ang mga shoppers ng Robinsons Place Manila sa Ermita nang masunog ang French Baker stall malapit sa supermarket area.

Ayon kay P03 Victor Canda ng Manila Police District Station 5, nagsimula ang sunog kaninabg 12:30 ng tanghali kanina.

Wala namang alarma na itinaas ang Bureau of Fire Protection (BFP) at agad na naapula ang sunog matapos ang mahigit dalawampung minuto.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa oven ng naturang bakeshop.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog samantalang isinara na muna ang supermarket ng mall habang isinasagawa ang clearing operations.

Read more...