Bumaba ng apat na puntos ang nakuha ni dating Pangulong Duterte sa hanay ng mga maaring kumandidato sa 2025 elections.
Mula sa 55 percent, bumaba sa 51 percent ang nakuha ni Duterte sa “Pahayag 2023 Second Quarter Survey” ng Publicus Asia.
Sa kabila nito, nanatiling Top 1 si Duterte sa hanay ng mga may potensyal na kandidato.
Isinagawa ang survey noong nakaraang Hunyo 7 hanggang 12 at ito ay may 1,500 respondents.
Nag-aagawan naman sa No. 2 position sina Dr. Willie Ong at ACT-CIS Party-List Rep. Erwin Tulfo sa nakuha nilang 44 percent.
Sumunod sa kanila sina Sens. Christopher Go at Imee Marcos (39%), dating Senate President Tito Sotto III at dating Manila Mayor Isko Moreno (36%); Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson, at Defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro (35%)
Sina dating Vice President Leni Robredo at dating Sen. Kiko Pangilinan ay kapwa pumasok sa Magic 12 sa nakuha nilang 28% at 25%, na nakuha rin dating Presidential spokesman Harry Roque.