Catapang: “Pasyal-pasyal” ng NBI detainees hindi uubra sa BuCor

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na hindi mangyayari ang nabunyag na pamamasyal ng pagpasyal ng ilang detenido ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ito ni Catapang matapos tanggapin  mula kay NBI Director Menardo de Lemos ang 83 detenido ng NBI sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Inilipat ang NBI detainess sa Building 14 sa Maximum Security Compound sa NBP.

Paliwanag ni Catapang ang NBI ang magbabantay pa rin sa kanilang mga detenido at magtatagal ito hanggang sa matapos ang bagong detention facility ng NBI.

Nabanggit din nito na ang kanilang persons deprived of liberty (PDLs) na tumestigo laban kay dating BuCor Chief Gerald Bantag at ginamit na testigo ng NBI sa mga isinampang kaso ay hihilingin nila na mabalik na sa kanilang kustodiya.

Pagtitiyak na rin ni Catapang na dahil nasa kanilang “teritoryo” ang NBI detainees, hindi makakalabas ang mga ito ng Building 14 ng walang koordinasyon sa kanila.

Nabatid na maging ang mga PDLs na tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ay naibalik na sa Bilibid mula sa Marines detention  facility sa Fort Bonifacio, Taguig City  at ISAFP facility sa Camp Aguinaldo.

Read more...