ITCZ nakakaapekto sa Palawan at Vis-Min
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Inaasahan na magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan na panahon ngayon araw sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Sa 4am weather bulletin ng PAGASA, ito ay dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Partikular na apektado ang Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Palawan.
Posible rin ang flashfloods at landslides kung magiging malakas ang buhos ng ulan.
Samantala, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maaring maging maulap at posibleng ang malakas na pag-ambon dahil din sa ITCZ at localized thunderstorm.
Ang naranasang temperatura kahapon, ang pinakamababa ay 25.4C noong alas-8 ng gabi at ang pinakamainit naman ay 32.9C dakong alas-11 ng tanghali.