Sinabi ni Senator Grace Poe na dapat ay may gawing aksyon ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ukol na binabalak na water service interruptions na mararanasan ng halos 600,000 kustomer ng Maynilad simula sa bukas,, Hulyo 12.
“MWSS should not take this matter sitting down as these recurring service cuts will affect over half a million consumers,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Public Services.
Aniya hindi katanggap-tanggap ang madalas at paghaba ng oras ng pagkawala ng suplay ng tubig.
Inanunsiyo na ang mga kustomer ng Maynilad ay makakaranas ng hanggang siyam na oras ng walang tubig gabi-gabi dahil sa bumababang antas ng tubig sa Angat Dam.
Diin ni Poe dapat ay alamin ng MWSS kung nakakasunod ang Maynilad sa mga obligasyon nito base sa kanilang prangkisa.
“MWSS should be proactive. It can’t be just the bearer of bad news to consumers of Maynilad’s water cuts,” aniya.
Dagdag pa ng senadora dapat ay pinalalakas ng Maynilad ang kanilang kapasidad sa distribusyon ng tubig bunga na rin ng tumataas na pangangailangan.
Dapat aniya na isapubliko nito ang kanilang mga solusyon sa kakulangan ng tubig.