Walong volcanic earthquakes at 303 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, isang lava collapse pyroclastic density current events at paulit-ulit na pulse tremor ang naitala sa bulkan.
Mabagal ang naging pagdaloy ng lava mula sa crater ng bulkan na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro at 4 kilometro sa Basud Gully.
Nasa 792 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 1,000 metro ang taas ng plume. Katamtaman ang naging pagsingaw nito at napadpad sa gawing kanluran.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES