Lima sugatan sa nasunog na motorbanca sa Zamboanga

 

(Courtesy: PCG)

Sugatan ang lima crew matapos masunog ang sinasakyang motorbanca sa karagatan ng Barangay Rio Hondo, Zamboanga City.

Ayon sa Philippine Coast Guard, galing ang Lady Radia sa Barangay Rio Hondo at patungo sana sa Baluk-Baluk Island sa Basilan nang magkaroon ng short circuit.

Agad na nagliyab ang  motorbanca dahilan para magkaroon ng third degree burn ang limang crew habang nakaligtas naman ang tatlong crew.

Nabatid na may karga ang nasunog na motorbanca na 100 litro ng gasolina at iba pa.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan ng Marine Environmental Protection Force-Southwestern Mindanao at Coast Guard Sub-Station para mag-inspeksyon kung may posibleng oil spill.

Pero ayon sa PCG, negatibo naman sa oil spill.

 

Read more...