SRA mag-aangkat ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal

 

Inaprubahan na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang Sugar Order No. 7 na mmag-aangkat ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal.

Ayon sa SRA, ito ay para mapunan ang supply gap at magkaroon ng buffer stock.

Pinapayagan ng SRA ang mga awtorisadong importers na mag-angkat ng asukal bago sumapit ang Setyembre 15, 2023.

Ayon sa order, papatawan ng kaukulang parusa ang mga importer  na mabibigong mai-deliver ang mga inangkat na asukal bago ang itinakdang deadline.

Ito na ang ikalawang importation permit na inilabas ng SRA ngayong taon.

Matatandaang inaprubahan na ang SRA ang pag-angkat ng 400,000 metrikong tonelada ng asukal noong mga nakaraang buwan.

 

Read more...