Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbaba ng bilang ng mga Filipino na walang trabaho.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 4.3 percent o 2.17 milyong Filipino na lamang ang walang trabaho noong Mayo, mas mababa ito sa 2.26 milyong Filipino na walang trabaho noong buwan ng Abril.
Sabi ng Pangulo, prayoridad ng administrasyon na bigyan ng trabaho ang mga Filipino.
Magagawa aniya ito kung palalakasin ang ekonomiya ng bansa.
Sabi ng Pangulo, hindi lamang ang pagtugon sa unemployment at underemployment ang ginagawa ng gobyerno kundi ang mabigyan ng magandang trabaho na may benepisyo para sa kinabukasan.
“Nakatutuwa naman at dahan-dahan ay umaakyat iyong numero ng employed dito sa Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, mula nang maupo sa puwesto noong nakaraang taon, nasa 17 percent ang unemployment rate sa bansa.
“Kaya kailangan magkaroon ng economic activity para magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan, and slowly, slowly, hindi naman bastat sinabi natin mangayayri, kailangan marami pa tayong kailangan gawin, the bureaucracy, the economy are complicated systems that need time to adjust to the initiatives that we have introduced in terms of policy, in terms of digitalization, in terms of the new skills and processes that we want to adopt for the issues that have been raised in terms of making the Philippines a more investor-friendly place,” pahayag ni Pangulong Marcos.