Dahil sa panibagong “bullying incident” sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng Chinese Coast Guard noong Hunyo 30, sinabi ni Senator JV Ejercito na panahon na para mismong si Pangulong Marcos Jr., na ang kumausap sa gobyerno ng China.
Ayon kay Ejercito patong-patong na note verbale at diplomatic protest ang inihain s dahil sa mga ginagawa ng China sa teritoryo nPilipinas ngunit hindi naman pinapansin at nagpapatuloy pa ang mga insidente.
Aniya ang ginagawa ng China ay hindi dapat ginagawa sa itinuturing na kaalyado.
Dagdag pa ni Ejercito, suportado niya ang nais ni Sen. Risa Hontiveros na maghain ang Pilipinas ng resolusyon, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa United Nations General Assembly upang sawayin ang China sa mga ginagawa nito sa kinikilalang teritoryo pa ng ating bansa.
Sa pamamagitan ng pahayag ng UNGA ay mapapagtibay ang ginawang pagpabor ng International Arbitral Tribunal sa Pilipinas sa isyu ng pakikipag-agawan ng teritoryo sa China.
Sinabi pa ng senador na kailangan din palakasin pa ang ugnayan ng mga miyembro ng ASEAN para mapanatili ang “freedom of navigation” sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.