Lifetime validity ng PWDs’ ID suportado ng CHR

FILE PHOTO

Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas para sa “lifetime validity” ng identification  (ID) cars ng lahat ng mga taong may kapansanan.

Ang mga tinutukoy na kapansanan ay maaring pisikal, sa pagiisip, mental at “sensory impairments.”

Inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan ang House Bill 8440 at layon nito na maamyendahan ang Republic Act No. 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons.

Ayon sa CHR sapat na ang five-year validity ng PWD IDs para sa update sa kanilang kondisyon o kalagayan at para na rin masuri ang mga benepisyo nilang natatanggap.

Dagdag lamang ng CHR dapat ay “exempted” sa pagsusumite ng requirements ang PWDs na pang-habambuhay na ang kondisyon.

“Granting a lifetime ID card to persons with permanent disability is an official recognition and validation of the unique needs and situation of this sector,” ayon pa sa komisyon.

Read more...