Bumaba ang unemployment rate sa bansa noong buwan ng Mayo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 4.3 percent o 2.17 milyong Filipino na lamang ang walang trabaho.
Mas mababa ito kumpara sa 2.26 milyong Filipino na walang trabaho noong buwan ng Abril.
Sabi ng PSA, mas mababa rin ang bilang ng walang trabaho noong Mayo 2023 kumpara sa 2.93 milyon na Filipino na walang trabaho na naitala noong Mayo 2022.
Buaba rin ang underemployment sa bansa.
Nasa 11.7 perecnt na lamang ang naitala noong Mayo kumpara sa 12.0 percent na naitala noong Abril.
Nanatili naman sa 28.1 percent ang bilang ng mga self-employed persons habang nasa 9.2 percent naman ang mga unpaid family workers.
READ NEXT
243 rockfall events, pitong dome collapse pyroclastic density current events naitala sa Bulkang Mayon
MOST READ
LATEST STORIES