243 rockfall events, pitong dome collapse pyroclastic density current events naitala sa Bulkang Mayon

Aabot sa 243 rockfall events at pitong dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology,  may dalawang lava front collapse pyroclastic density current events at ongoing repetitive pulse tremor na naitala sa bulkan.

Aabot sa 1,621 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 500 metro ang taas ng plume. Katamtaman ang naging pagsingaw nito at napadpad sa kanluran-timog-kanluran at kanluran-hilagang-kanluran.

Mabagal ang naging pagdaloy ng lava mula sa crater na may haba  na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully at pagguho  ng lava hanggang 3.3 kilometro at 4 kilometro sa Basud Gully.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

 

Read more...