“Live show” sa NBI command conference pinasisilip ni Remulla

FILE PHOTO

Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naganap na  command conference ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang hotel sa Maynila

Kasunod ito nang paglabas ng video ng intermission number sa naturang pulong kung saan napanood ang isang sumasayaw na babae na ang tanging suot ay panty at crop top lamang.

Ayon sa kalihim hindi niya hahayaan na maulit ang naturang insidente.

Diin pa ni Remulla  walang puwang  ang mga maling asal lalo na sa tanggapan ng gobyerno.

Read more...