Zambales niyanig ng Magnitude 4.8 earthquake
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Niyanig ng Magnitude 4.8 earthquake ang Zambales alas-3:16 ngayon hapon.
Sa paunang impormasyon mula sa Phivolcs may lalim na 46 kilometers ang pinagmulan ng lindol.
Naitala ang sentro nito sa distansiyang 26 kilometro Timog ng Palauig, Zambales.
Naramdaman ito na Intensity 3 sa Quezon City.
Base naman sa instrumental intensities, naitala ito na Intensity 3 sa mga bayan ng Botolan, Iba, Cabangan at San Marcelino sa Zambales.
Walang inaasahan na pinsala ang lindol, gayundin ang pagkakaroon ng aftershocks.