Sa gitna ng kontrobersiya na nilikha ng bagong ‘Love the Philippines” campaign video ng Department of Tourism (DOT), nagbigay ng suhestiyon si Senator Lito Lapid na sa kanyang palagay ay maaring magtuldok sa kontrobersiya.
Inirekomenda ni Lapid ang bagong tourism slogan na “WOW, It’s more fun! Love, the Philippines!”
Ito ay ang pinagsama-samang mga dating slogan ng DOT ng bansa kung saan ang “Wow Philippines” na sumikat din noon ay kay dating Tourism Sec. Dick Gordon, ang “It’s more fun in the Philippines”ay kina dating Tourism Secs. Ramon Jimenez ar Bernadette Romulo-Puyat at ang bagong slogan na “Love the Philippines” ay kay Tourism Sec. Christina Frasco.
Naniniwala si Lapid na kapag pinagisa ang mga slogan na ito ay mas lalakas pa ang turismo sa Pilipinas.
Kasabay nito ang pagdepensa ni Lapid kay Frasco sa mga batikos matapos lumabas ang kontrobersyal na promotional video na ang ilang mga kuha ay sa ibang bansa at hindi sa Pilipinas.
Ayon sa senador wa;a siyang nakitang malisya o layuning lokohin ang mga tao sa ginawang video dahil ito ay para lamang muna sa mga opisyal ng DOT at iba pang internal stakeholder at hindi pa talaga ito pampubliko.