Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na ipatupad ang bagong istratehiya kontra sa money laundering at terrorist financing.
Base sa Executive Order No. 33, kailangan sundin ng lahat ng ahensiya ang istratehiya ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing at Counter Proliferation Financing Strategy 2023-2027.
Layunin ng EO na matugunan ang International Cooperation Review Group (IGRG) Action Plans, matiyak na maalis ang Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) Grey List, at mapalakas ang anti-money laundering, counter terrorism financing, at counter proliferation financing (AML/CTF/CPF) sa pamamagitan ng paggamit ng naturang istratehiya.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang EO noong Hulyo 4 at sa ilalim nito binibigyan ng dagdag na kapangyarihan ang AML/CTF/CPF na mag-reorganisa ng kanilang sub-committee.
Pinatututok din ng Pangulo ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA).