Sa kabila nang mga naranasan na pag-ulan ng ilang araw, patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Nabatid na dalawang metro na lamang ang ibaba ng antas ng tubig sa Angat Dam, ito ay nasa kritikal na antas na.
Ang critical level ay 180 metro at hanggang kahapon ito ay nasa 181.22 metro na.
Sinabi ni NRWB executive director Sevillo David Jr. ang pagbaba ng tubig ay hindi pa epekto ng El Nino yet.
Sabi pa ni Sevillo na wala pang pagbabago sa alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam ngunit tiyak na magbabago ito kapag bumaba na sa critical level ang antas.
Dagdag pa ni Sevillo, kapag nangyari ito ay mababawasan ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon dahil ang prayoridad ay ang pangangailangan sa tubig ng Metro Manila.