Entertainment journalist Mario Dumaual ibuburol sa Loyola QC

FACEBOOK PHOTO

Ibuburol ang mga labi ng mamahayag na si Mario Dumaual sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa opisyal na pahayag ng pamilya Dumaual, magsisimula ang burol mamayang 2:00 ng hapon hanggang sa araw ng Linggo, Hulyo 9.

Ililibing si Dumaual sa Loyola Memorial Park sa Marikina City sa Linggo.

Pumanaw si Dumaual noong Hulyo 5 dahil sa septic shock sa edad na 64 taong gulang.

Isang buwan sa Philippine Heart Center ang entertainment reporter ng ABS-CBN dahil sa severe fungal infection, na komplikasyon mula sa atake sa puso.

 

Read more...