Bulkang Mayon patuloy ang pag-aalburuto

FILE PHOTO

Nasa 243 rockfall events at pitong dome collapse pyroclastic density current events ang naging aktibidad  ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of  Volcanology and Seismology (Phivolcs), dalawang lava front collapse pyroclastic density current events at on-going repetitive pulse tremor ang naitala sa bulkan.

Naging mabagal ang pagdaloy ng lava mula sa crater na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully.

Nagkaroon din ng pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro at 4 kilometro sa Basud Gully.

Nasa 1,621 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan, samantalang  500 metrong taas ang ibinugang plume.

Katamtaman ang naging pagsingaw nito at napadpad sa kanluran-timog-kanluran at kanluran-hilagang- kanluran.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Read more...