Natapos na ng Food and Drug Administration (FDA) ang unang yugto ng safety at efficiency trial ng African swine fever (ASF) vaccine.
Ito ang ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr., sa Livestock Philippines Expo 2023 sa World Trade Center sa Pasay City at aniya maglalabas na rin ang FDA ng certificate of product registration (CPR) para sa second phase ng trial ng ASF vaccine para malaman kung epektibo ang bakuna sa baboy.
“This gives us great hope as we have been waiting for this for a very long time. However, it is not a reason for complacency as we are being continuously warned by those who have studied the vaccine. The vaccine is 80 percent effective. There is still a 20 percent-chance that we need to look out for very carefully,” aniya.
Nabanggit din ng Pangulo na may progreso na rin aniya sa pagbili ngayon ng avian influenza vaccines matapos manawagan ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga manufacturers na ipa-rehistro na ang kanilang mga produkto.
“As we identify the shortcomings that we have and acknowledge that there is much work to do, we at the Department of Agriculture shall continue to forge partnerships with the academe and private sector to devise solutions to eradicate these diseases that continue to wreak havoc on our livestock and poultry sub-sectors,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sabi pa ng Pangulo, kailangan na palakasin ang poultry at livestock sectors lalot may kinakaharap na problema sa ASF at Avian influenza.
May ginagawa na aniya ang pamahalaan para ma-detect at maagapan ang pagkalat ng sakit gaya na lamang ng pag-implementa sa Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery at Expansion o INSPIRE Program.
Sa ngayon, nasa 430 farmers’ cooperatives at associations na may 13,000 miyembro ang nakinabang sa programa.
“Rest assured that the government stands firm with you in overcoming our present challenges by implementing data and science-based policies and programs. We aim to streamline our value chain systems, ease our access to local produce, and cushion the impact of food inflation on the lives of our farmers and our consumers,” dagdag ng Pangulo.