Patuloy ang pagprotekta ni Pangulong Marcos Jr. sa purchasing power ng mga Filipino.
Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos ang ulat ng Philipine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong buwan ng Hunyo.
Nasa 5.4 percent na lamang ang inflation noong buwan ng Hunyo kumpara sa 6.1 percent na naitala noong Mayo.
“Well kung maaalala ninyo talagang nagtaasan yan nung Enero, Pebrero ay agricultural products ay isang pinakamalaking bahagi yung ating inflation rate. Kaya’t naman itong klaseng pagsasama at pag-exchange of ideas na ginagawa ngayon, ito ay mahalaga dahil we are helping the producers of agricultural commodities to lower the price, make more efficient all their production and also to take full advantage of the new technologies,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinabi nito na ang mga programa at proyekto ng gobyerno sa sektor ng agrikultura ang nakapagpabuti sa inflation sa bansa.
“Like for sugar, for example, was a very, very high component of our inflation rate. Now, that we have been able to stabilize the price of sugar by making a very clear schedule of importation, making a very clear schedule of assignment of the importation where it goes to the industrial or if it goes to food. This is the kind of thing that is helping to bring down the inflation rate,” pahayag ng Pangulo.
Sabi pa ng Pangulo, ang pagbagal ng inflation ay patunay na epektibo ang mga hakbang na palakasin ang ekonomiya, suportahan ang mga mamimili, manggagawa at negosyante.
“That’s why doing this, improving the technologies, helping our farmers at both ends of that value chain, there is an advantage because the farmers will make more money because they are spending less, because they are more efficient. At the same time, that price level will translate all the way to the consumer na at least stable and we can plan and we know exactly. We will try of course to continue to bring it down but that requires our success in increasing our production, making it more efficient and again the value chain that I’m always talking about ad infinitum but it’s really the answer,” aniya.