June inflation rate bumaba pa sa 5.4%

INQUIRER FILE PHOTO

Bumaba pa sa 5.4  percent ang inflation noong nakaraang buwan mula sa 6.1percent ng Mayo.

Ito ang ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ito ang pang-limang buwan na nagpatuloy ang pagbaba ng inflation sa bansa.

Ang bagong inflation ang pinakamababa din sa nakalipas na 13 buwan.

Ayon pa sa PSA Chief Dennis Mapa ang pagbagal ng inflation noong nakaraang buwan ay dahil sa mabagal na taunang pagtaas ng mga pagkain at non-alcoholic beverages sa 6.7 percent noong Hunyo mula sa 7.4 percent noong Mayo.

Gayundin sa sektor ng transportasyon, bayad o upa da bahay, halaga ng tubig, kuryente at ilang produktong-petrolyo.

Maging sa sektor ng kalusugan, sa restaurants and accomodations, recreation, at sport and culture.

 

Read more...