Aksyon ni PBBM Jr. vs onion cartel pinuri ni Speaker Romualdez

OFFICE OF THE SPEAKER PHOTO

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang utos ni Pangulong Marcos Jr., laban sa kartel ng sibuyas sa bansa.

“This is a welcome development, a decisive action that manifests the President’s resolve to clamp down on unscrupulous businessmen preying on hapless Filipino consumers and hampering his administration’s efforts to sustain the robust growth of our economy,” ani Romualdez.

Unang ipinagutos ni Pangulong Marcos Jr,, sa  Department of Justice (DOJ) at saNational Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang smuggling, hoarding, at price fixing ng sibuyas at iba pang produktong-agrikultural.

“The President’s directive should be enough to deter further supply manipulation of agricultural products and help stabilize prices, especially amid reports that prices of onion are on the rise again,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi pa ng kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte na nakahanda ang Kamara na ibahagi sa mga awtoridad ang mga impormasyon na nakalap sa pagdinig ng House Committee on Agriculture ukol sa isyu sa suplay at mataas na presyo ng sibuyas.

Magugunita na si Romualdez ang nagsulong na maimbestigahan sa Kamara ang smuggling ng sibuyas gayundin ng iba pang produktong-agrikultural na lubos na nakakaapekto sa mga lokal na magsasaka at konsyumer.

 

 

Read more...