Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Office of the Ombudsman sa kaso ng mga opisyal na sangkot sa sinasabing “Pastillas scam.”
Ibinasura ng CA ang ang desisyon na “guilty” sina Bureau of Immigration – Traffic Control and Enforcement Unit personnel Deon Carlo Albao, Danieve Binsol, Fidel Mendoza at Chevy Chase Naniong sa mga reklamong grave misconduct.
Sa 27-pahinang desisyon, sinabi ng CA 5th Division na may sapat at makatuwirang basehan ang Ombudsman sa naging desisyon sa mga reklamo.
Ang mga nabanggitay kabilang sa 18 tauhan ng kagawaran na inalis sa serbisyo ng Department of Justice (DOJ) noong nakaraang taon dahil sa naturang modus sa airport.
Ibinaba naman ng CA sa anim na buwan ang suspensyon kay Senior Immigration Officer Grifton Medina dahil naman sa reklamo neglect of duty bunga nang kabiguan na aksiyonn ang katiwalian ng kanyang mga kasamahan.