Tigil-biyahe ng PNR mangyayari sa Kapaskuhan

 

DOTr photo

Sa darating na Disyembre pansamantalang titigil sa pagbiyahe ang mga tren ng Philippine Natonal Railways (PNR).

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista ang tigil-pasada ay mangyayari pagkatapos ng araw ng Pasko para hindi lubos maapektuhan ang mga komyuter na na mamimili sa Divisoria sa Maynila.

Ang suspensyon ng biyahe ay pagbibigay daan para sa pagpapagawa ng P873.6 billion North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Tumigil na ang biyaheng Calamba – Alabang (vice versa) para sa pagsisimula ng naturang proyekto sa naturang bahagi ng ruta.

Kayat maglalagay ng mga karagdagang bus sa naturang ruta para sa 2,000 apektadong pasahero.

Read more...