1,558 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Mayon

 

Isang volcanic earthquake, 257 na rockfall events at anim na dome-collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, isang lava front collapse pyroclastic density current event ang naitala sa bulkan.

Naging mabagal ang pagdaloy ng lava mula sa crater ng bulkan na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-Isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava ng hanggang  3.3 kilometro  at 4 kilometro sa BAsud Gully.

Nasa 1,558 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 200 metro ang taas ng plume na may katamtamang pagsingaw. Napadpad ito sa kanluran-hilagang kanluran at kanluran-timog-kanluran.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

 

Read more...