Poe: DOT, parang na-scam sa video advertisement

 

Umaasa si Senator Grace Poe na hindi na mauulit ang iskandalo sa bago sanang promotional video ng Department of Tourism (DOT).

Aniya isa ang DOT sa pinagkakatiwalaan ng publiko.

Ayon pa kay Poe nakakadismaya na maging ang gobyerno ay nabibiktima sa “marketing campaign,” na ang layon aniya pa naman ay ang promosyon ng natural na kagandahan, nag-iisang karakter at kultura ng Pilipinas.

“Para tayong na-scam sa advertisement na ito,” aniya patukoy sa lumang video na ginamit para sa promosyon ng bagong DOT slogan na “Love the Philippines.”

Dahil sa insidente, binawi na ng DOT ang kontrata sa DDB, ang advertising agency na gumawa at nagprisinta ng kontrobersyal na ad video.

Read more...