4-anyos na pamangkin ng photojournalist patay na, QCPD may limang persons of interest

INQUIRER FILE PHOTO

Sumakabilang buhay na ang apat na taong gulang ng photojournalist ng isang online tabloid na tinambangan noong nakaraang linggo sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, namatay ang bata bunga ng mga tama ng bala sa katawan.

Samantala, inanunsiyo ng pambansang pulisya na may tinitingan na ang Quezon City Police District (QCPD) na limang “persons of interest” sa kaso ng pananambang kay Joshua Abiad, ng Remate Online.

Hinihinala na miyembro ng isang gun-for-hire group ang mga salarin.

Bunsod ito nang pagkakadiskubre na ang plate number ng sasakyan ng mga salarin ay nakarehistro sa ibang sasakyan.

Read more...