Kalahati ng Maguindao del Sur ang lubog sa tubig baha.
Bunga nito inilagay ang buong lalawigan sa ilalim ng state of calamity.
Nabatid na 12 sa 24 bayan sa lalawigan ang lubog sa baha simula noon pang nakaraang linggo at 223,000 indibiduwal ang apektado.
Inaprubahan ni Maguindanao Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panglalawigan noong nakaraang Biyernes na nananawagan na magdeklara ng state of calamity sa lalawigan.
Sinabi ni Tim Ambolodo, ang namumuno sa Provincial Disaster Risk Reducton and Management Office, na may 44,722 pamilya mula sa mga komunidad na nasa paligid ng Liguasan marshland.
MOST READ
LATEST STORIES