Tolentino: Deklarasyon ng SC na “unconstitutional” ang BSKE postponement puwede iapila

Sa kabila ng deklarasyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang ginawang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE),  posible pa rin itong gawin sa hinaharap ayon kay Senator Francis Tolentino.

Paliwanag ni Tolentino, nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema na kung ipagpapaliban ang eleksyon dapat ay alinsunod sa guidelines ng Kataastaasang Hukuman, kasama na ang pagkakaroon ng public emergency.

“Ngayon po maliwanag na, may guidelines po ang Korte Suprema subalit hindi po sinasabi sa (bagong) Supreme Court decision na bawal nang mag-postpone (ng BSKE). Basta sundin mo yung limang guidelines, it will not prevent future Congresses from postponing—kung mami-meet po itong guidelines na ito,” ayon sa namumuno sa  Senate Committee on Justice and Human Rights.

Dagdag pa niya hindi naman pinagbawalan ng SC ang Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon.

Kinilala din aniya ng SC ang kapangyarihan ng Kongreso na magsulong ng mga panukalang-batas.

Sabi pa ng senador, bahala na ang pamunuan ng Senado at Kamara kung iaapila ang desisyon ng Korte Suprema na ilegal ang ginawang pagpapaliban nmg BSK elections.

Read more...