Oil price rollback inaasahan simula bukas, LPG nagmura

INQUIRER PHOTO

Bawas-presyo naman ang inaasahang mangyayari sa mga produktong-petrolyo bukas.

Sa pagtataya ng industry experts, ang diesel at gasolina ay maaring matapyasan ang presyo mula P0.60 hanggang P0.80 kada litro.

Ngayon araw inaasahan ang pag-anunsiyo ng mga kompaniya ng langis sa paggalaw sa presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo.

Noong Sabado, naging epektibo na ang bawas-presyo sa liquified petroleum gas (LPG) o cooking gas at auto LPG.

Ang Phoenix, Solane at Petron ay nagbawas ng mula P3.07 sa kada kilo ng kanilang cooking gas at P2.05 naman sa bawat litro ng auto LPG.

 

Read more...