TESDA nagbabala sa online selling ng fake National Certificates

 

TESDA Facebook photo

Muling nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko ukol sa pagbebenta online ng mga pekeng National Certificates (NCs).

Kasunod na rin ito nang pagkakahuli sa isang lalaki sa Cotabato City dahil sa pagbebenta ng mga pekeng NCs at driver’s licenses.

Paliwanag ni TESDA Dir. Gen. Suharto Mangudadatu na tanging sila lamang ang nag-iisyu ng NCs sa mga kuwalipikadong indibiduwal na pumasa sa assessment depende sa kanilang mga kuwalipikasyon.

Dagdag pa niya ang certified workers, maging ag employers ay maaring alamin online kung totoo ang hawak nilang NCs sa official website ng TESDA.

“TESDA prioritizes the integrity of its certification system in certifying middle-level workers to ensure their productivity, quality, and global competitiveness,” anang opisyal.

Una na rin siniguro ni Mangudadatu na regular ang gagawing inspeksyon sa lahat ng TESDA-accredited training and assessment centers para masiguro na nakakasunod ang mga sa mga regulasyon ng ahensiya.

Read more...