15, kunwaring nasawi sa northern part ng Metro Manila, sa katatapos na shake drill

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Labinglimang indibidwal ang namatay sa pagtama ng malakas na lindol sa North Quadrant ng Metro Manila.

Pero yan ay sa naging proseso lamang ng earthquake drill, na isinagawa Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Director Julie Encarnacion, ang incident commander ng North Quandrant, 45 ang casualties sa proseso, kung saan labinglimang ang kunwaring nasawi sa malakas na lindol, habang 9 ang nagtamo ng minor injuries.

Ito ay galing sa report mula sa Caloocan, Valenzuela, Quezon City, Mandaluyong City, at San Juan.

Sinabi ni Encarnacion, sa Valenzuela ay may scenario na naguho ang tulay, habang sa ilang bahagi naman ay may sunog matapos tamaan ng lindol.

Naging malaki naman aniya ang naitulong na resources mula sa Department of Health, Department of Interior and Local Government at iba pang ahensya ng gobyerno sa ginawang drill.

Sa Veterans Memorial Medical Center ang command post ng North quadrant.

Nagkaroon din doon ng shake drill kung saan nakibahagi ang maraming participants.

 

 

 

Read more...