Luzon grid isasailalim muli sa yellow alert mamayang hapon

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Dalawang oras na isasailalim sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na reserba sa kuryente.

Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) as of 8AM kanina manipis na ang reserba ng kuryente sa Luzon.

Bagaman mayroong 10,208 MW na available capacity ay inaasahan naman na nasa 9,370 MW ang peak demand ng kuryente.

At mamayang bandang alas 2:00 ng hapon inaasahang tataas pa ang demand.

Dahil dito, pinayuhan ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente para maiwasan ang posibilidad na pagpapatupad ng rotational brownout.

Partikular na maaring gawin ang pagset ng air condition uits sa 25 degrees Celsius at pagtitiyak na ang mga refrigerator ay nakasarang mabuti at iwasan ang pagbubukas-sara nito.

Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.

 

 

Read more...