Buong gobyerno hinikayat ni Villanueva na kumilos sa promosyon ng turismo sa bansa
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Hindi lamang pagpapalit ng campaign slogan at sa halip ay kailangan ng ng whole-of-government approach sa promosyon ng turismo ng bansa.
Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na makahikayat ng mas maraming turista na bumisita sa bansa.
Paglilinaw lamang din ni Villanueva na suportado niya ang pagsusumikap ng Department of Tourism (DOT) na mapalakas ang industriya ng turismo dahil makapagbibigay ito ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan sa mga Pilipino.
Sa ngayon ay unti-unti na aniyang bumabalik ang sigla ng turismo sa kabila na nagpapatuloy pa rin ang pandemya.
Sa pinakahuling datos ng DOT noong Mayo, lumilitaw na higit dalawang milyong banyaga na ang bumisita sa bansa.
Batay nya sa impormasyon ng Philippine Statistics Authority, noong 2022, ang tatlong Inbound Tourism Expenditure ng non-resident tourists ay sa food at beverage services, accommodation services at transport services bukod pa sa shopping.
Kaya bukod anya sa bagong tourism slogan na inilunsad ng DOT kailagan din nating isaayos ang transportation system, kabilang na ang mga airport na gateways ng bansa.