Tatlong isyu na dapat tutukan ng PBBM-administration inilatag ni Zubiri
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Agrikultura, dagdag sahod at trabaho.Ang mga ito, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ang dapat pang tutukan ni Pangulong Marcos Jr. matapos ang unang taon sa termino ng una. sa termino.Kaugnay nito, binigyan ni Zubiri ng 8/10 na grado ang Punong Ehekutibo, na isinalarawan ng senador na nagpakita ng kasipagan mula sa unang araw nito sa panunungkulan.Diin ni Zubiri na bagama’t maraming problemang kinakaharap ang bansa tulad ng inflation ay maayos pa ring ginagampanan ni Pangulong Marcos Jr., ang kanyang tungkulin.Iminungkahi pa ng namumuno sa Senado na palawakin pa ng Pangulo ang kanyang Kadiwa Centers program upang mawala na ang mga middleman at kumita ng malaki ang mga magsasaka. Bukod pa dito, dapat din matutukan ang pagkakaroon ng farm to table programs upang mas mailapit sa mga konsyumer ang mga lokal na magsasaka.Iginiit din niya ang pagtutok sa labor sector upang magkaroon pa ng mga dagdag na trabaho at gayundin ang dagdag na sahod sa mga manggagawa. Pagtitiyak na lamang din ni Zubiri Tiniyak na patuloy nilang susuportahan ang mga kinakailangang batas ng Pangulo para sa maayos na pamamahala sa bansa.