Photojournalist , 4 kaanak sugatan sa QC ambush

Malubhang nasugatan ang isang photojournalist at sugatan din ang kanyang apat na kaanak sa pananambang ng ilang armadong lalaki sa Quezon City kaninang hapon.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa  katawan ang 37-anyos na si Joshua Abiad, ng Remate Online.

Nabatid na ang isa pang pamangkin ni Abiad na walong-taong gulang ay kritikal ang kalagayan dahil sa bala sa buto nito.

Sugatan din sina Renato Abiad, 41, Jeffrey Cao, 47 at isang anim  at apat  na taong gulang na mga bata.

Maliban kay Cao, sakay ang mga biktima ng Ford Everest nang sila ay pagbabarilin ng mga nakasakay sa isang silver Toyota Vios at Honda Mio motorcycle, sa Gazan street sa Barangay Masambong alas-3:50.

Narekober sa lugar ang 14 basyo mula sa kalibre .45 na baril.

May impormasyon na testigo ang biktimang photojournalist sa mga drug cases ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP.

 

Read more...