7 kilo ng shabu sa chocolate bags nabuking, Canadian timbog

PDEA PHOTO

Agad inaresto ang isang 64-anyos na babaeng Canadian national dahil sa bitbit  na higit pitong kilo ng hinihinalang shabu sa NAIA Terminal 1.

Kinilala ang inaresto na si Wendy Jane Marais, na dumating mula sa Narita, Japan sakay ng Japan Airlines flight JL741.

Nabatid na ang shabu ay itinago sa chocolate bags, na nakalagay naman sa isang bag.

Inaresto siya ng mga tauhan ng NAIA-AIDITG alas-2:15 kaninang hapon sa Customs International Arrival Area.

Nagkakahalaga ng droga na bitbit ni Marais ng P48.62 milyon

 

READ NEXT
Read more...