P90-M halaga ng mga sasakyan, kagamitan ibinigay sa Taguig City police, fire

RICHARD GARCIA PHOTO

Namahagi si Taguig City Mayor Lani Cayetano ng P90 milyong halaga ng mga sasakyan at kagamitan sa kanilang lokal na pulisya, bumbero at barangay.

Ang tulong ay bahagi ng paggunita sa unang taon sa puwesto ni Cayetano at isinagawa ito sa TLC Park sa Barangay Lower Bicutan kahapon.

Ang ibinigay na 70 sasakyan ay kinabibilangan ng multi-purpose vehicles, motorcycles, custodial van para sa Taguig City Police, mga firetrucks at mga ambulansiya naman sa local fire bureau at firefighting tricycles naman sa lahat ng barangay sa lungsod.

Binigyan din ng sniper rifle, body cameras, recording devices at body vest ang mga lokal na pulis.

Ayon kay Cayetano ang mga donasyon ay isa lamang sa mga pamamaraan ng pamahalaang-lungsod na matiyak ang peace and order sa Taguig City at mabilis na disaster response.

“Lumalaki po ang populasyon ng ating lungsod, at ang development, yung progress po natin, ay hindi nagpapa-awat. At sa kaganapan po natin ngayon, pinapasan ko po yung burden ng pagsisiguro na ang lahat ng nagta-trabaho, naninirahan, at lahat ng pumupunta sa lungsod ay nararamdaman nila na sila ay pumupunta sa lungsod na ligtas, payapa at maayos,” ani Cayetano.

Nagsilbing saksi sa turn-over ceremony sina Rep. Ricardo Cruz Jr., Vice Mayor Arvin Ian Alit, Southern Police District director, Brig. Gen. Kirby Kraft, mga konsehal ng lungsod at mga punong barangay.

Read more...